entertainment
Billy Crawford admits ‘exclusively dating’ status with Coleen Garcia

Sa muling pagpirma ni Billy Crawford sa kanyang music label na Universal Records, ibinahagi ng singer at host ng It’s Showtime ang proseso sa paggawa ng kanyang pinakabagong album. Sinabi nitong halos lahat ng kanta na kabilang sa dito ay siniulat niya. “Most of them. Yung mga OPM lang, yung mga Tagalog lang ang hindi ko nasulat pero halos lahat actually. So out of 13, mga 12 or 11.”

Aniya ang mga kantang kabilang dito ay mga kantang sa ngayon ay mas gusto na niya. “This time around it’s a lot more of the music that I like. There is a mixture of R&B, there is a mixture of pop, there is a mixture of EDM, pretty much kung ano ang mga up to date.” Kwento pa ni Billy, hindi lang dito sa bansa lalabas ang kanyang album, maging sa France, at yun nga ang naging dahilan ng pagpunta niya doon noong isang taon.

Kahit na ngayon na lang ulit siya magre-release ng album na ang huli’y taong 2009 pa, hindi naman natigil si Billy sa pag-produce at paggawa ng kanta. “Actually wala din naman akong tigil. It’s not really resting kasi I am also trying to be a producer and songwriter for other artists as well. So kung hindi ko ginagawa ang album ko or I have a little bit of time, I collaborate with other artists as well tapos sulat kami ng kanta and I think our next project is with Christian Bautista.”...

By: Krissa Donida

For full story, log on to www.push.com.ph

 

More Articles