Sobrang busy ngayon ang latest Pinoy Big Brother Big Winner na si Slater Young dahil kaliwa’t kanan ang kanyang mga projects at showbiz commitments.
Plano ngayon ni Slater na bigyang pansin ang hosting pero magiging open din daw siya sa acting projects. “Hopefully more acting gigs and we’re planning to go into hosting din kasi a lot of people are suggesting hosting,” salaysay niya sa isang interview kamakailan. Nang matanong siya kung ano ang mas prayoridad niya, ang kanyang sagot, “Both. [I will try both] at the same time. Okay lang if may opportunity, I’d like to try lang… kung kaya.”
Igi-give up din daw muna niya ang kanyang pagiging engineer para mag-full time sa showbiz at may blessing daw siya ng kanyang pamilya. “’Yun ang pinag-usapan namin ng dad ko, namin (ng pamilya) na [focus on showbiz]. As long as I’m happy doing what I’m doing, I’m supported. When I’m not happy, I can always go back to engineering,” paliwanag ni Slater.
Malaki raw ang paghanga niya sa character actor na si Pen Medina at kung may yapak siyang susundan, ito ay ang kay Pen.
Sa isang upcoming magazine issue ay ipa-publish ang ilang sexy, topless photos ni Slater kung kaya’t naitanong sa kanya kung okay ba sa kanyang tumanggap ng sexy roles. “No, hindi ako masyadong komportable sa sexy na roles. I don’t see that as my personality din,” mabilis niyang sagot. “[‘Pag] photo shoots, okay lang, but when it comes to sexy roles, ‘di ko ma-imagine ang sarili ko.”...
by Bernie Franco
For full story log on to www.push.com.ph