entetainment
Direk Lauren Dyogi says he is amazed by Sam Milby’s accomplishments

Direktang sinagot ni Direk Laurenti Dyogi ang tanong ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon kung inasahan ba niyang malayo ang mararating ni Sam Milby, isa sa mga former housemates ng Pinoy Big Brother Season One. “Hindi,” prangkang sagot ni Direk. “Nung in-audition namin siya sa PBB, alam ko magpapa-cute lang siya sa bahay (ni Kuya) pero nagawa niya ‘yon (and more). Nagpa-cute, tumambling, tumugtog. He really worked hard. Four years pa lang siya pero andami na niyang nagawa.” Sabi pa ni Direk, hindi rin umano imposible na makakuha ng acting award si Sam dahil nakikita umano niya rito ang dedikasyon sa kanyang trabaho. Inasahan umano niyang mahihirapan siya sa pagdidirehe kay Sam, gayunpaman, nakapag-deliver naman umano ang Fil-Am actor.

Sa kanyang directorial film comeback via And I Love You So, sinabi ni Direk Lauren na isang karangalan para sa kanya na makatrabaho sina Sam, Bea Alonzo at Derek Ramsay. “Silang tatlo ay magiging importanteng artista ng film industry,” papuri ni Direk. “Iba ang glow sa big screen ni Sam talaga. ‘Pag nakikita ko na sa wide-screen, iba ‘yung mata (niya). Maganda kasi ang mata ni Sam eh, nagko-compliment ‘yung looks nila ni Bea. And (with) the emotions, they help each other out. Even Derek was a revelation for me.”

Naikwento ni Sam na nadamage ang kanyang eardrums dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Bea sa kanya. Nadala kasi si Bea sa eksena, pag-eexplain ni Direk Lauren. “Nagkataon na there was a blocking na sobrang intense ‘yung eksena. Napalakas ‘yung sampal ni Bea tumama sa tenga niya (Sam).” Kumbaga ay ganun dinibdib ng bawat isang aktor ang kanilang mga eksena.

Samantala, sabi ni Sam malayo umano sa tunay na pagkatao niya ang kanyang character sa And I Love You So subalit tinulungan umano naman siya ng kanyang mga kasamahan upang maging epektibo ang kanyang pag-arte. “It was a lot of preparing. I got a lot of help from Direk and the writers. ‘Yung character ko, I’m not like him. The experiences he went through is something I have not gone through to that level,” kuwento ni Sam. Sinabi naman niya na hindi imposibleng ma-inlove siya kay Bea dahil maganda at may mabuting kalooban ang dalaga. Ang pinakagusto umano niya sa aktres ay ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya. Kung kaya’t alam niyang magiging masuwerte ang lalaking mamahalin ni Bea.

Ang And I Love You So ay ipalalabas na sa mga sinehan ngayong Agosto 12.

Go to the Star Cinema Multiply site for chances to win tickets to the movie’s premiere showing.

by Bernie Franco

More Articles
Page 454 of 514First   Previous   449  450  451  452  453  [454]  455  456  457  458  Next   Last   








TFC On Demand