entetainment
Krista Ranillo is happy that dad Matt Ranillo III supports her being a 'sex columnist'

Sa autograph signing ng Mocha Girls para sa Maxim Magazine's April Issue, dumalo ang aktres na si Krista Ranillo. Nagkataon din kasi na isang sex-adviser-writer si Krista sa naturang sexy magazine for men. Paano ba siya napapayag ng Maxim Philippines na maging sex columnist nila? Ganun na kaya 'kadami' ang alam niya sa gaitong usapin? “Hindi, kasi they said naman na it wasn’t about my experience kasi sinabi ko naman na hindi ako expert or hindi ako nagpapangap na guru tsaka ‘di naman merely about sex, pwede din dating, relationship.”

Still learning ang researching pa daw siya pagdating sa usaping sex. Kailan ba niya naisip na maging sex adviser din pala siya balang araw? “Yun naisip ko lang kasi in school mahilig din ako magsulat and then since sinabi ko din yung first issue ko na I’m one of the boys, marami akong close na guy friend talagang alam ko yung mga iniisip ng mga lalaki at the same time parang girly-girly pa rin ako.”

Matatandaang nagkaroon sila nang tampuhan noon ng amang si Mat Ranillo III dahil sa pagsabak niya sa pagpapa-sexy sa indie film na 'Paupahan', ano naman kaya ang sabi ng ama nito sa kanya. “Ok naman siya. Actually bago ko naman sina-submit pinapa-proof read ko muna sa kanya or sa brother ko kung maganda ba. Naiintindihan naman niya ngayon and supportive pa rin siya siyempre meron pa din siyang mga bawal, tatay siya eh.” Binabasa kaya ng ama niya ang column niya? “Oo, binabasa niya, natutuwa lang siya, minsan ayaw niyang basahin, pero minsan may mood na gusto niyang basahin, binabasa naman niya.”

Ngayon, kahit na magtatapos na daw ang 'Pieta', masaya daw siyang nabigyan ng malaking break sa serye. “Of course, yes I'm very grateful talaga sa ABS-CBN for giving me this break kasi nga matagal akong nawala sa showbiz and out of all the stars, alam mo yun ako yung nabigyan so I'm very blessed talaga.”

 

by Arniel Serato

back








TFC On Demand