truly pinoy
Angel Locsin and Kahit Isang Saglit nominees in International Emmys

Isa na namang malaking karangalan ang ibinigay ng ABS-CBN sa Pilipinas sa pagkakapili ng teleseryeng “Kahit Isang Saglit” sa 37th International Emmy Awards. Napili ang ”Kahit Isang Saglit” (A Time For Us) as one of the nominess for Best Telenovela sa 2009 International Emmy Awards sa dinami-dami ng entries na ipinadala worldwide.

Ang iba pa’ng nominado for Best Telenovela ngn International Emmy Awards ay ang “India-A Love Story” ng TV Globo ng Brazil, “Second Chance” ng TF1 Production ng France at ang isa pa’ng Pinoy entry na “Magdusa Ka” ng GMA Network, Inc, Philippines.

Ang “Kahit Isang Saglit” ay prinodyus ng ABS-CBN Broadcasting Corporation / Double Vision SDN BHD sa direksyon ng yumaong si Gilbert ‘Manong’ Perez at Jerry Sineneng. Pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Carmen Soo, Albert Martinez, Cristine Reyes at Christopher de Leon.

Kasabay ng tagumapy na ito ng “Kahit Isang Saglit” ang pagkaka-nominado rin ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang mahusay na paggagnap sa ABS-CBN Primetime teleserye na “Lobo” (The Wolf). Ito ang ikalawang pagkakataon na binigyan ng malaking pagkilala ang kauna-unahang teleserye na ginawa ni Angel sa ABS-CBN.

Kamakailan ay ginawaran din ng isang international award ang “Lobo” mula sa 2009 Bandd World Telecision Festival sa bansang Canada. Ang taunang event na tinawag din na ‘The Rockies” ay binuo para sa pang-mundong programa sa telebisyon at sa kanyang paglikha’t pag-unlad.

Napili ang “Lobo” bilang Telenovela Program sa 23 category winners mula sa 800 entries ng 29 na bansa. Makakalaban naman ni Angel para sa kategoryang Best Single Performance by An Actress sa 2009 INternaitonal Emmy Awards ang kilala at batikang aktres na si Julie Walters sa “A Short Star In Switzerland” produced by BBC mula sa United Kingdom, gayundin si Emma de Caunes para sa “Night Birds” ng CHEZ WAM, France, at si Cecilia Suarez para sa “Capadocia” na ginawa ng HBO Latin America Originals sa Mexico.

Ang International Academy of Television Arts & Sciences ay isang membership-based organization na binubuo ng nangungunang media and entertainment figures mula sa 50 bansa at 500 kumpanya sa lahat ng sector ng telebisyon kasama ang internet, mobile and technology.


By Julie Bonifacio

Related Article:

back