entetainment
Kathryn Bernardo denies being jealous of Daniel Padilla’s other leading lady

Sa panayam ng Showbiz Inside Report sa pinakamainit na tambalan ng panahong ito na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, isa sa mga napag-usapan ay ang mga nakita nilang mga naging pagbabago sa isa’t isa mula nang una silang magkatambal. Para kay Kathryn, mas naging mature ang katambal. Aniya, “Alam niya na yung tama sa mali, alam niya na ‘yung priorities niya.” Mas naging mas maalaga naman sa sarili si Kathryn ayon kay Daniel. Ayon sa binatang Padilla, “Si Kath siguro before, parang kikay kikay siya, mas lalo na ngayon, hindi! Loko lang! Kung baga conscious na siya sa itsura niya, mas inalaagaan niya na ‘yung sarili niya.”

 
Isa sa hindi maiiwasan sa isang tamabalan ay ang mga tampuhan o hindi pagkakaintindihan at inamin naman ng dalawa na pinagdadaanan nila ito. Para kay Daniel, kung maaring iwasan ang mga tampuhan ito ay gagawin niya ito ngunit kundi man ay inamin niyang siya ang unang nakikipag-usap. Dagdag pa ni Kathryn, kapag kinausap na siya nagkakaayos na sila agad dahil, “Ang hirap nun eh, sweet kayo sa scene tapos mag-aaway kayo, kung pipilitin makikita nila sa mata.” At ang kadalasang ugat ng kanilang hindi pagkakasundo ayon kay Kathryn, “Siguro kapag pagod lang talaga.“ Sinang-ayunan ito ni Daniel. “Magka-clash kami, ganun ‘yun kapag pagod na pagod ka na, ayaw mo na munang makipag-usap.”
 
Ibinahagi din ng dalawa ang kanilang ginagawa sa mga panhong libre sila at walang trabaho. Ang kwento ni Daniel na ginagawa ni Kathryn, “Si Kat kapag wala siyang gagawin, oops, wala siyang gagawin, punta siya ng Rockwell, paayos siya ng kuko niya, punta siya ng The Fort, tapos papalinis siya ng mukha niya.” Kwento naman ni Kathryn sa ginagawa ng kapareha, “Kapag pack-up na, gigising siya afternoon na ‘yan. Ako ang dami ko nang nagawa siya kagigising pa lang.”
 
Nakaugalian na din daw itext ni Daniel ang kapareha kung nasaan ito at kadalasan nga ay nagpapa-spa ang dalaga. Dagdag pa ni Kathryn, “Tapos bubuksan na niya TV niya, kakain siya, mag-PlayStation siya, or papupuntahin niya barkada niya sa bahay niya, magba-basketball sila. Hindi siya umaalis ng bahay, doon lang siya.” 
 

Inamin ng dalawa na hangga’t maari, kahit na hindi sila magkasama, ay may komunikasyon sila sa isa’t isa. At napag-alaman din ang tawagan nila sa isa’t isa. Kwento ni Kathryn, “Pottie or Potpot (laughs). Ang cute kasi sabihin. Tapos payatot, potpot payatot, mahilig kasi siya, kapag sinabi mo, sarap sabihin no, ulitin mo, potpot, potpot (laughs). Ayun parang nakasanayan na.” At Baba naman tawag ni Daniel sa kapareha at ang dahilan nito, “Baboy. Kasi lagi niyang sinasabi ang taba na niya eh.”...

by Krisssa Donida

For full story log on to www.push.com.ph

back