entetainment
Gerald Anderson speaks up about Sarah Geronimo receiving death threats

Na-corner ng Push.com.ph si Gerald Anderson sa isang event at marami ngang naka-miss sa kanya pagkatapos ng serye niyang Budoy. Nang matanong ng Push ang aktor kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan, “Nagsa-start po kami ng indie (movie) at si Jake Cuenca ang kasama ko. Malapit na ipalabas yun. We are really excited, yung excitement sobrang nandun na kaya sana magustuhan ng mga tao.”

Hindi na rin nakaiwas si Gerald sa mga tanong tungkol kay Sarah Geronimo. Kamakailan nga ay may mga lumabas na balitang nakakatanggap diumano si Sarah ng mga death threats dahil sa closeness na meron sila ngayon. Hindi diumano tanggap ng ilang mga fans ito. “Siyempre po napagdaanan ko na yan. Para sa akin huwag masyadong mag-dwell sa ganung klaseng threat sa ganung klaseng sitwasyon. I guess by now expected na rin kahit ayaw natin, siguro sa ngayon wala tayong magagawa.”

Sa isang presscon ni Sarah, very vocal naman ang dalaga sa pag-aming si Gerald ang inspirasyon niya sa kasalukuyan at nang kunin namin ang reaksiyon ni Ge tungkol dito, “Wow! Like I have said galing din sa akin yan na open din ako na sobrang espesyal talaga siya para sa akin at grabe yung inspirasyon na binibigay niya sa akin. Kahit na minsan hindi kami nagkakasama pero just thinking about her napapangiti ako.”....

 

by Krissa Donida

For full story log on to www.push.com.ph

back