Sa isang recent interview, nagbiro si Gerald Anderson na bukod sa kanyang handler at ina, si Sarah Geronimo raw ang madalas niyang nakakausap, patunay na constant ang communication ng dalawa. Sinabi rin niya na habang wala pa siyang proyekto ay maglalagak siya ng mas maraming oras para kay Sarah upang makapag-usap.
Nagsama na ang dalawa sa dalawang pelikula at wala pa raw balita kung pagsasamahin uli sila for the third time. “Wala pa po akong naririnig pero ‘yon may movie po siya (Sarah) with Lloydy (John Lloyd Cruz) and ‘yun ang isa sa mga dapat nating abangan sa ngayon,” sagot ni Gerald.
Hindi pa rin matigil-tigil ang mga ispekulasyon kung ano na ba ang tunay na namamagitan sa kanila ni Sarah, kung may relasyon na ba sila o wala. “Hindi naman po kailangang lagyan ng label,” hirit ni Gerald. “Ako ine-enjoy ko kung ano ang inspiration na ibinbigay sa akin ni Sarah. Dahan-dahan lang. Ine-enjoy ko lang, siguro kaming dalawa ine-enjoy lang namin. Kung anong meron kami ngayon so ‘yun, ‘di kami nagmamdali, ‘di namin pine-pressure ang isa’t-isa.”
Nag-guest si Gerald sa The Buzz noong March at doon niya unang inamin na nililigawan na niya si Sarah. Naitanong sa PopStar Princess kung napanood niya ang nasabing episode at kung ano ang reaksyon niya rito. “Napanood ko po, ayun basta masaya po ako kung ano ‘yung meron kami… ‘yung friendship namin at totoo ‘yon na naging close kami at talagang iingatan ko po ‘yung closeness na meron kami ngayon,” sagot ng singer-actress.
Optimistic din si Sarah na napatunayan nila na hindi lang promo ang kanilang closeness gaya ng komento ng mga ilang detractors dahil gumawa sila ng pelikula earlier this year. “Vina-value ko po ‘yung nabuong friendship sa amin kahit tapos na po ‘yung pelikula naming. Ako sabi ko naman sa kanya (Gerald) kung saan siya magiging happy nandidito lang ako [para] sa kanya,” ani Sarah.
Dagdag pa ni Gerald, kahit ang kanilang mga fans at mga tagasubaybay ay nakikita nila ang totoong special treatment nila sa isa’t-isa. “Siguro ‘yon din ang maganda sa amin kasi kung ano ‘yung nakita nila sa stage totoo din, mas bonded kami ngayon. Mas madalas ‘yung communication naming dalawa,” paglalarawan ni Gerald. “Mas nakilala ko po siya at gayundin din siguro siya. Ini-enjoy na po namin ‘yung moment, ini-enjoy ko po ‘yung friendship na ibinibigay niya sa akin so yeah hindi na kailangang lagyan ng label.”...
by Bernie Franco
For full story log on to www.push.com.ph