Kumalat sa isang blind item na diumano’y ang director-boyfriend ng isang TV host actress ay nakitang may kasamang ibang babae. Pinangalanan ito ng ilang mga nakabasa at tinukoy nga nila ito na sina Toni Gonzaga at ang karelasyong si Direk Paul Soriano. Kaya naman sa pinakahuling endorsement presscon ni Toni Gonzaga, tinanong siya tungkol sa isyung ito, “Ayoko naman mag-react, pag nag-react ka parang guilty ka. Narinig ko yan regarding the third party issue. I guess the best thing to do about this issue is to ignore.” Ang dagdag pang sagot ng dalaga sa isyu, “I’m a professional ignorer -- as long as I know the truth. They can laugh all they want, say anything they want, bash anything they want against me or Paul as long as I know the truth, dedmatology ang katapat ng lahat.”
Sa mga ganitong lumalabas na issue natanong din ng PUSH.com.ph ang multimedia star kung naapektuhan pa ba sila ni Direk Paul kapag nakakarining sila ng ganito at inamin naman ng Ultimate Multimedia Star na, “Noong bago, mga second year, third year affected lalo siya, siya yung natitira, naba-blind item. Ngayong apat na taon na, maglilima na, paulit-ulit lang, wala namang napapatunayan. Yung mga pictures naman na nilalabas, kilala ko yon, staff nila yun sa Abra nakakahiya naman yun dun sa babae, staff nila yon, Christmas party.”...
by Krissa Donida
For full story log on to www.push.com.ph